Wednesday, December 9, 2009

Bilog na Hugis Itlog




May bilog, may bilog na hugis itlog

Mare, mare
May ikukuwento ako sa'yo puwede?
Oo naman mare! Puwede!

Simula na po ang automation
Sa darating na twenty ten elections
Sa automation bibilis
bibilis ang bilangan
Kaya lalong dapat nating bantayan

Nasa balota na, mga pangalan
ng kandidatong pagpipilian
Alamin na po natin ang automation
Pano nga ba'ng gagawin?

Ano bagong instruction?

May bilog, may bilog na hugis itlog
May bilog, may bilog na hugis itlog
Ang kailangan sa bilog ay simple lang
Itiman, i-shade loob ng bilog

Hanapin ang bilog sa tapat ng pangalan
ng kandidatong napupusuan
Ang bilog, ang bilog sa tapat ng pangalan
'Yan ang dapat nating markahan

Gets mo ba?
Gets ko na!
Gets na gets na talaga!

Computer ang magbabasa ng ating mga balota
Kung mali ang pagmarka
Baka boto mo'y mabasura
Sayaaaang!

Balota mo'y alagaan
Boto'y makapangyarihan
Huwag gusutin o dungisan
Upang tiyak na mabilang
Ang boto mo, boto mo
Makapangyarihan
Pumili tayo ng tuwid
ng may paninindigan

Tunay na lider na magsisilbi sa bayan
Yan ang kailangan
Kailangan ng bayan
Isang Presidente
Bise Presidente
Mga Senador puwede hanggang dose
Isang Congressman
At isang Party List lang
Huwag na, huwag nang dagdagan

Isang Mayor
May Vice Mayor
At kung ilang Konsehal ang kailangan
Isang Gobernador
At kanyang Bise
At kung ilang Bokal puwede!

Hanapin ang bilog sa tapat ng pangalan
ng kandidatong napupusuan
Ang bilog, ang bilog sa tapat ng pangalan
'Yan ang dapat nating markahan

May bilog, may bilog na hugis itlog
May bilog, may bilog na hugis itlog
Ang kailangan sa bilog ay simple lang
Itiman, i-shade loob ng bilog
Ang loob ng bilog na hugis itlog

Huwag bibilugan loob ang dapat itiman
Ang loob ng bilog na hugis itlog

Awww!!!